Nagpaabot ng simpatiya ang Embahada ng Pilipinas sa gobyerno ng Kuwait kasunod ng sunog na sumiklab sa isang gusali sa lungsod ng Mangaf na kumitil ng higit 40 buhay.
Sa inilabas na pahayag ng embahada, nagpaabot ito ng pakikiramay sa pamilya ng mga nasawi sa sunog gayundin ang mabilis na paggaling ng mga nasugatan.
Pinuri naman ng embahada ang mabilis na pagtugon at pagsisikap ng mga awtoridad ng Kuwait, mga bumbero, at mga medical team sa pagtugon sa insidente ng sunog at pagbibigay ng tulong sa mga naapektuhang indibidwal.
Nag-alay naman ng panalangin ang embahada ng Pilipinas para sa kaligtasan ng mga frontline personnel.
Samantala, kinumpirma ni OWWA Administrator Arnel Ignacio na dalawang Pilipino ang nasugatan sa sunog at tiniyak ang tulong ng gobyerno para sa kanila. | ulat ni Lorenz Tanjoco