MERALCO, magpapatupad ng P0.64 sentimo na dagdag singil sa kuryente ngayong Hunyo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inanunsiyo ng Meralco na magpapatupad sila ng P0.64 kada kilowatt-hour na dagdag singil sa electric bill ngayong buwan ng Hunyo.

Ayon sa Meralco, ang dadag-singil sa kuryente ay dahil sa mas mataas na generation charge at pass-through charges o mga gastos na dumaan lang sa kanila.

Gaya na lamang ng mga binabayad sa mga power generator; feed-in tariff allowance na napupunta sa renewable energy producer at transmission charge.

Pero sinabi naman ng Meralco mababawasan ang bigat ng dagdag-singil, dahil hinati nila sa tatlong buwan ang aktwal na generation charge kung saan ang butal ay sisingilin sa mga buwan ng Hulyo, Agosto, at Setyembre.

Ang dagdag-singil na ito ay katumbas ng P128 para sa mga kumukonsumo ng 200 kilowatt-hour at P320 naman para sa mga kumukonsumo ng 500 kilowatt-hour. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us