DSWD, patuloy ang pagtutok sa mga biktima ng nasunog na fishing boat sa Naga City, Cebu

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy ang pagbabantay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 5 sa mga biktima ng nasunog na fishing boat sa karagatan ng Naga City, Cebu.

Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, patuloy nilang susubaybayan ang kalagayan ng mga biktima at tiniyak ang tulong ng ahensya.

Nauna rito ay nagbigay na ng inisyal na tulong ang DSWD Field Office-5 ng cash aid na nagkakahalaga ng P5,000.

Ipinoproseso na rin ang karagdagang cash assistance mula sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program para sa pamilya ng mga biktima.

Samantala, nakikipag-ugnayan na rin ang DSWD Bicol regional office sa mga Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ng Balud at Cawayan, Masbate para sa stress debriefing ng mga biktima.

Matatandaang binabagtas ng fishing boat ang karagatan ng Naga City nang masiraan ito ng makina dahilan para ito ay sumabog at umapoy na nagresulta sa pagkakasawi sa anim sa 12 sakay nito noong June 5. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us