Sisimulan na ang konstruksyon ng Banlic Depot ng North-South Commuter Railway (NSCR) Project sa Calamba, Laguna.
Ito ay matapos na isagawa ang groundbreaking ceremony ng naturang proyekto ngayong araw.
Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, ang groundbreaking ng NSCR Depot ay patunay na mabilis ang pag-usad ng proyekto, isang taon matapos ang land development at iba pang preparatory works noong 2023.
Ang Banlic Depot ay may lawak na 24.5 ektarya at kabilang sa mga itatayong istruktura ang control center, stabling yard, maintenance shop, at iba pang ancillary buildings.
Ang NSCR Project ay pinondohan ng Asian Development Bank at Japan International Cooperation Agency ay magkokonekta sa Metro Manila, Pampanga, Bulacan, at Laguna.
Target na matapos ang proyekto sa 2028 kung saan mapapaiksi nito ang biyahe mula Clark, Pampanga hanggang Calamba, Laguna ng halos dalawang oras at kayang magsakay ng 800,000 na mga pasahero kada araw. | ulat ni Diane Lear