Kinumpirma ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac na tatlong mga Pilipino ang nasawi sa sunog na sumiklab sa isang gusali sa Kuwait kahapon ng madaling araw.
Ayon kay Secretary Cacdac, dalawa naman sa mga biktima ay nasa kritikal na kondisyon.
Nauna rito ay sinabi ng DMW na nasa 11 ang kabuuang bilang mga Pilipino ang apektado ng sunog at kasalukuyang nagpapagaling sa ospital.
Nakikipagtulungan na ang Migrant Workers Office-Kuwait, Overseas Workers Welfare Administration, at Embahada ng Pilipinas sa Kuwait upang maiuwi sa bansa sa lalong madaling panahon ang mga labi ng nasawi.
Nabatid na ang sunog ay naiulat bandang 4:30 ng madaling araw kahapon sa Mangaf na isang lungsod sa timog ng Kuwait. | ulat ni Diane Lear