Hangad ng bansang Japan na magkaroon ng partnership sa Pilipinas mula sa sektor ng clean energy at trade investment ng dalawang bansa.
Ayon kay Trade Secretary Alfredo Pascual, ito ay matapos ang naging pagpupulong nila Japan Ministry for Economy and Trade Saito Ken alinsunod sa naging trilateral agreement ng Pilipinas, Japan at Estados Unidos sa mga naging pag-uusap ng tatlong lider ng mga naturang bansa.
Dagdag pa ni Pascual, inaasahang magiging maganda ang maidudulot ng naturang partnership sa lagay ng ekonomiya ng bansa maging sa sektor ng enerhiya sa Pilipinas.
Sa huli, positibo naman si Secretary Pascual na magiging maganda ang naturang partnership ng Japan sa Pilipinas dahil isa ito sa may matatag at may advance technology sa Asean Region | ulat ni AJ Ignacio