Na-raid na POGO hub sa Pampanga, iinspeksyunin ng Senado

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iinspeksyunin rin ng Senado ang mga ilegal na POGO hub sa Porac, Pampanga.

Ayon kay Senate Committee on Ways and Means Chairperson Senador Sherwin Gatchalian, hinihintay na lang nila na matapos ang pagbusisi ng Presidential Anti Organized Crime Commission (PAOCC) sa paghahalughog sa mga gusali ng Lucky South 99.

Sampung araw ang binigay sa PAOCC para tapusin ang kanilang pag iinspeksyon sa naturang POGO hub.

Matapos aniya nito ay saka sila pupunta sa ni-raid na POGO para magkasa ng sarili nilang imbestigasyon at inspeksyon.

Binigyang diin ni Gatchalian, na kailangang maisiwalat ang modus operandi ng Porac POGO hub at hindi dapat tigilan ang pag-alam sa ganitong mga bagay.

Muli ring nanawagan ang senador kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magpatupad na ng total ban sa mga POGO lalo’t maituturing na ang mga ito na national security threat. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us