Umabot na sa ₱870,130,000 na halaga ng tulong ang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga magsasaka at mangingisda na naapektuhan ng El Niño sa ilang rehiyon sa bansa.
Ayon sa DSWD, kabilang sa mga lalawigang pinagkalooban ng tulong ang Zamboanga, Sultan Kudarat, General Santos, Iligan City, Cagayan de Oro, Tawi-Tawi, Maguindanao del Sur, Davao Del Norte, Davao del Sur sa Mindanao, Cagayan Valley at Bicol Region.
Pinakamaraming benepisyaryo ang natulungan ay mula sa Tawi-Tawi na abot sa 10,766, sunod ang Sultan Kudarat, General Santos at Maguindanao na may tig 10,000 benepisyaryo.
Ang ipinamahaging ayuda ay ginawa sa ilalim ng Presidential Assistance to Farmers and Fisherfolk and Families (PAFFF). | ulat ni Rey Ferrer