Simula sa Hulyo 1, ipatutupad na ng Land Transportation Office (LTO) ang ‘No Plate, No Travel’ policy para sa mga tricycle sa Quezon City.
Ngayon pa lang, umaapela na ang LTO sa car dealers, motor vehicle owners na kumuha na ng license plates sa gitna ng planong ipatupad ang polisiya sa buong bansa.
May koordinasyon nang ginagawa ang ahensya sa Quezon City local government para sa pagpapatupad ng “No Plate, No Travel” policy sa lahat ng tricycle.
Ayon kay LTO Chief Vigor Mendoza II, natugunan na ng ahensya ang halos 3,000 backlog sa license plates para sa tricycle drivers sa Quezon City.
Ang “No Plate, No Travel” sa Quezon City ay magsisilbing pilot run ng mas mahigpit na road safety at anti-colorum measures habang pinaplano ng LTO ang pagpapalawak ng implementasyon nito. | ulat ni Rey Ferrer