Pansamantalang isasara ng Department of Public Works and Highways-South Manila District Engineering Office (DPWH-SMDEO) ang gitnang lane ng EDSA Southbound mapalit sa L. Woods Street sa Pasay City para magbigay daan sa isinasagawang reblocking.
Nagsimula ang pagsasara sa nasabing kalsada alas-10:00 kagabi, June 14 at inaasahang magtatapos ng alas-5:00 ng umaga ng June 17.
Ayon sa DPWH-NCR, layunin ng nasabing proyekto ang pagpapabuti ng road safety at daloy ng trapiko sa mga kalsada sa NCR.
Pinapayuhan ang mga motorista na maghanda sa pagbagal ng trapiko sa lugar at gumamit ng mga alternatibong ruta kung maaari. | ulat ni EJ Lazaro