Kinilala ni Speaker Martin Romualdez ang malaking ambag ng Philippine Institute of Civil Engineers sa pagpapaunlad ng imprastraktura sa Pilipinas.
Kasabay nito, nanawagan din ang lider ng Kamara sa mga inhinyero na tulungan ang pamahalaan na magkaroon ng isang inclusive at accessible na imprastraktura sa bansa na mapapakinabangan ng lahat ng Pilipino.
“In ensuring a better future for Filipinos, we must also focus on inclusivity and accessibility. The infrastructure we build must be designed to meet the needs of all citizens, including those in underserved and remote areas,” sabi ng House Speaker sa pagdalo sa 2024 PICE Midyear Convention, International Engineering Expo, and Technical Conference.
Giit ni Romualdez na hangarin ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang isang Pilipinas kung saan bawat mamamayan ay may access sa quality infrastructure, edukasyon, at oportunidad na nakaangkla sa integridad, sustainability at progreso.
“The bridges you build, the roads you pave, and the buildings you construct are not just structures of concrete and steel; they are symbols of our collective aspirations and the foundation of our future. As engineers, you are the architects of progress, shaping the infrastructure that forms the backbone of our nation.” Dagdag ni Romualdez.
Sabi pa ni Romualdez na ang kanilang kadalubhasaan ay titiyak na ang ating mga komonidad ay matatag o resilient, ang ating ekonomiya ay malakas at ang ating bansa ay handang humarap sa hamon ng 21st century.
Nangako rin siya na susuportahan ng Kamara ang engineering profession at industry sa pamamagitan ng mga lehislasyon at polisiya.| ulat ni Kathleen Forbes