Aabot sa Php 5,760,000 pondo ang inilabas ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa partner-beneficiaries ng Project Local Adaptation to Water Access (LAWA) and Breaking Insufficiency through Nutritious Harvest for the Impoverished (BINHI) sa San Carlos City, Negros Occidental.
Ayon sa DSWD-Region 6, may kabuuang 640 partner-
beneficiaries mula sa mga barangay Codcod, Prosperidad, Quezon, Nataban, Palampas, Punao, at Bagonbon ang nakatanggap ng tulong.
Kapalit nito ang kanilang pagdalo sa limang (5) araw na Cash for Training program at mga serbisyong ibinigay sa 15-araw na programang Cash for Work sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga punong namumunga.
Ang Project LAWA at BINHI na pinasimulan ni DSWD Secretary Rex Gatchalian, ay naglalayong palakasin ang adaptive capabilities ng mahihirap at bulnerableng pamilya sa panahon ng matinding tagtuyot.
Gayundin mabawasan ang food insecurity at water scarcity dulot ng El Niño phenomenon sa pamamagitan ng sustainable development programs.
Naglabas na noong nakaraang buwan, ang DSWD6 ng Php 3,600,000 sa may 400 partner-beneficiaries sa lungsod.| ulat ni Rey Ferrer