DSWD, pursigidong mawakasan na ang child labor sa bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inulit ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kanilang panawagan na wakasan  ang child labor sa bansa.

Ayon kay DSWD SHIELD Against Child Labor Focal Maribel Barcenas, kailangang paigtingin na ang pagpapatupad ng komprehensibong mga programa at serbisyo para sa kabataang Pilipino.

Hinihikayat din nito ang bawat Pilipino, na bigyan ang bawat bata ng karapatan na mabuhay ng malaya at ligtas mula sa anumang uri ng child labor.

Nauna nang ipinangako ng DSWD ang proteksyon sa mga bata laban sa force labor sa pamamagitan ng pagbibigay ng holistic at agarang interbensyon.

Ito’y matapos ipatupad ng DSWD ang Strategic Helpdesks for Information, Education, Livelihood, and Other Developmental Interventions o SHIELD against child labor program.

Sa ilalim ng programang ito, makakatanggap na ng tulong pang-edukasyon at tulong pangkabuhayan at iba pang oportunidad ang mga profiled child laborer sa buong bansa. | ualt ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us