Aksyon ng China sa huling insidente sa Ayungin Shoal, kinondena ng U.S.

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinondena ng Estados Unidos ang aksyon ng China sa nangyaring insidente malapit sa Ayungin Shoal kahapon na napaulat na kinasangkutan ng Chinese Coast Guard vessel at resupply boat ng Pilipinas.

Sa isang “X” message, inihayag ni US Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson na ang agresibo at mapanganib na aksyon ng China ay nagresulta sa “bodily harm,” at pinsala sa barko ng Pilipinas.

Ayon kay Amb. Carlson, ang ginawa ng China ay paghadlang sa ligal na maritime operation na layong maghatid ng pagkain, tubig, at mahahalagang suplay sa mga tropa sa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.

Muling tiniyak ni Amb. Carlson na nasa likod ng Pilipinas ang Estados Unidos upang suportahan ang isang malaya at bukas na Indo-Pacific Region.  | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us