Mga labi ng 3 OFWs mula sa Kuwait patungo na sa kani-kanilang mga tahanan — OWWA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakalabas na ng Philippine Airport and Ground Services, Inc. (PAGS) air cargo ang mga labi ng tatlong Pinoy OFWs na naging biktima ng sunog sa isang residential area sa Kuwait.

Bumyahe na patungo sa kani-kanilang mga tahanan ang pamilya at ang mismong cadaver box na pinaglalagyan ng kanilang mga labi.

Ayon kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Arnel Ignacio na alinsunod sa naging kautusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay sasagutin nito ang lahat ng pangangailangan ng pamilya katuwang ang Department of Migrant Workers(DMW), Department of Foreign Affairs (DFA) maging ang ilang mambabatas na nagpaabot ng tulong mula kay Speaker Martin Romualdez at Senator Raffy Tulfo.

Ayon pa kay Ignacio, may kaakibat pa itong scholarship sa mga anak na naiwan ng mga naturang OFWs upang maipagpatuloy ang pag-aaral ng mga ito hanggang sa makatapos ng kolehiyo. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us