PBBM, sisikaping mapuntahan ang lahat ng lugar na matinding tinamaan ng tagtuyot para personal na maghatid ng tulong

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasa 82 probinsiya ang nakatakdang hatiran ng tulong ng pamahalaan sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasunod ng naging epekto ng El Niño sa hanay ng mga magsasaka at mangingisda.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, inihayag ni TF El Niño Spokesperson at Presidential Communications Office (PCO) Assistant Secretary Joey Villarama na ang pagbibigay ng ayuda ay sa gitna na din ng aniya’y recovery period na ngayon ng mga magsasaka at mangingisda mula sa tagtuyot.

Kaya asahan na, ani Villarama, si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magiging tuloy-tuloy ang pag-iikot sa iba’t ibang mga probinsiya lalo’t personal itong nag-aabot ng tulong sa mga magsasaka at mangingisda.

Luzon, Visayas, at Mindanao ayon sa PCO official ay pupuntahan ng Pangulo para sa pamamahagi ng ayuda na ang layunin ay maibangon ang mga naging apektado ng El Niño.

Linggo-linggo ay hindi nawawala sa schedule ng Pangulo ang out of town activities kung saan ay namamahagi ito ng Presidential assistance.  | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us