Nagpalitan ang mga matataas na opisyal ng Kamara at Japan ng kaalaman at tinatawag na ‘best practices’ pagdating sa paggawa ng mga batas.
Pinangunahan ni Secretary General Reginald Velasco ang delegasyon ng Pilipinas sa pulong kay House of Representatives International Affairs Department Director General Yamamoto Hironori ng Japan.
Nilalayon ng palitan na ito na mapalakas pa ang kooperasyong parlyamentaryo at paghusayin ang mga pamamaraan sa paggawa ng batas ng Pilipinas at Japan.
Sabi pa ni Sec. Gen. Velasco handa silang i-adopt ang mga inobasyon upang mas maging bukas at hayag at episyente ang trabaho ng lehislatura.
Ipinahayag naman ni Director General Yamamoto ang kanyang sigasig para sa pakikipagtulungan at binigyan-diin ang dedikasyon ng Japan sa pagbabahagi ng kanilang kaalaman sa paggawa ng batas sa Pilipinas, na matagal na nitong kaibigan at may mahabang kasaysayan ng kooperasyon.
Bahagi ng napagpulungan ang digital transformation ng legislative process, epektibong mekanismo para makuha ang sentimyento ng publiko, at mga estratehiya sa pagpapahusay ng pangangasiwa sa lehislatura.
Nagkasundo ang dalawang partido sa kahalagahan ng patuloy na pagtutulungan upang matugunan ang mga hamon at magkaroon ng oportunidad na lumikha ng makabuluhang pagbabago.
“This exchange is part of a broader initiative to strengthen bilateral relations between the Philippines and Japan, fostering deeper cooperation across various sectors. As both countries continue to navigate complex global challenges, such partnerships are crucial in promoting good governance and sustainable development,” sabi ni Velasco. | ulat ni Kathleen Forbes