Tuloy tuloy na pinaiigting ng Department of Agriculture ang paghahanda nito para sa inaasahang mas matinding epekto ng La Niña sa agri sector.
Sa Kapihan sa Bagong Pilipinas, sinabi ni DA Asec. U-Nichols Manalo na nakalatag na ang mga intervention ng kagawaran para hindi lubos na tamaan ang mga sakahan at pangisdaan sa bansa.
Kabilang na rito ang climate smart mapping na gagamiting basehan para sa mas accurate na pagtaya sa mga sakahang posibleng makaranas ng pagbaha at makapagbigay ng advance warning sa mga magsasaka.
Tuloy tuloy rin ang pakikipagugnayan ng DA sa mga regional office at mga magsasaka para sa magiging stratehiya lalo sa rice producing areas na pwedeng tamaan ng mga pagbaba.
Sa kabila naman nito, nananatili pa rin ang target ng bansa na maabot ang kabuuang produksyon na 20.4 milyong metriko tonelada sa katapusan ng 2024. | ulat ni Merry Ann Bastasa