Pinangunahan ni National Economic and Development Authority (NEDA) Sec. Arsenio Balisacan ang paglulunsad gayundin ang ceremonial signing ng Implementing Guidelines ng Executive Order no. 59.
Ito’y matapos lagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr ang nasabing kautusan na naglalayong pagaangin ang requirements para sa flagship infrastructure projects ng Pamahalaan.
Kasama ni Balisacan sa mga lumagda si Anti-Red Tape Authority Director-General, Sec. Ernesto Perez na sasaksihan naman ng mga kintawan mula sa Department of Finance, DTI, DOTr, DoE at pribadong sektor.
Magugunitang ginawa ng Pangulo ang nasabing kautusan alinsunod sa itinatadhana ng Republic Act 11032 o Ease of Doing Business (EODB) Law. | ulat ni Jaymark Dagala