ERPAT project ng DSWD, binibigyang pansin ang parental roles ng mga ama

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy na pinapatupad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang Empowerment and Reaffirmation of Paternal Abilities o “ERPAT.”

Ito ay bilang pagkilala sa papel ng isang ama sa pagpapalaki sa kanyang anak.

Ayon kay DSWD Assistant Secretary at Spokesperson Irene Dumlao ang ERPAT ay isa sa mga serbisyo ng ahensya na nagbibigay importansya at halaga sa papel na ginagampanan ng isang tatay.

Upang palakasin pa ang programa, patuloy ang ahensya sa pagsasagawa ng capability building at training ng implementers, ERPAT members, at local government units .

Nitong nakaraang Mayo, nagsagawa ang DSWD Field Office-7 (Western Visayas) ng 1st ERPAT Regional Summit bilang parte na rin ng selebrasyon ng International Day of Families (IDF) 2024.

Pinaliwanag pa ni Dumlao, na layunin ng ERPAT na mapalakas ang parenting capabilities ng mga ama ng tahanan upang maayos na magampanan ang kanilang responsibilidad para sa kanilang mga anak.

Target beneficiaries ng ERPAT ay biological fathers, (solo fathers, mga tatay na migrants/Overseas Filipinos (OFs), released prisoners, o persons with disabilities), adoptive fathers, newlywed husbands, organized father groups, male caregivers, foster fathers, at guardians. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us