Tinaasan pa ng Maynilad Water Services ng 15% ang paggamit ng renewable energy sa kanilang operasyon.
Ginawa ito sa pamamagitan ng kanilang pakikipag partner sa MPower, isang local retail supply arm ng Meralco.
Sa ilalim ng partnership,ang MPower ang magsu supply ng renewable energy mula sa solar at biomass sources para magpatakbo ng siyam na pasilidad ng Maynilad.
Partikular dito ang mga water treatment plants sa La Mesa Compound sa Quezon City at sa Brgy. Putatan sa Muntinlupa, mga pumping station sa Pasay, Las Piñas, Quezon City, at Parañaque.
Ayon kay Maynilad President at CEO Ramoncito Fernandez
sa paglipat na ito sa 15 percent clean energy , mababawasan ng Maynilad ang carbon dioxide (CO2) emissions nito ng halos 18,000 tonelada bawat taon, na katumbas ng 4,284 na gas-
fueled vehicles sa mga kalsada.
Pagtiyak pa ng kumpanya na patuloy pang babawasan ang mga carbon emissions nito sa susunod na limang taon, dahil nakatakda itong palawakin ang paggamit ng renewable energy sa higit pa sa mga pasilidad nito.
Target ng Maynilad na pataasin pa ang utilization ng green power ng 30 percent sa 2025, at 40 percent sa 2027. | ulat ni Rey Ferrer