Kampante ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na magtuloy-tuloy at dadami pa ang proyektong pabahay ng gobyerno.
Ayon kay DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar, dahil ito sa pagdami ng private partners, mga kontratista at developers na nakiisa sa Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) Program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Patunay lamang aniya nito na nasa tamang landas ang ginagawa ng DHSUD alinsunod sa ninanais ni Pangulong Marcos na matulungan ang mga mahihirap na mamamayan.
Dahil sa partisipasyon ng maraming private partners, asahan na raw ang maraming proyektong pabahay ang ilulunsad sa hinaharap.
Humigit-kumulang 40 proyekto, karamihan ay binubuo ng high-rise condominium-type buildings ang kasalukuyang itinatayo sa buong bansa.| ulat ni Rey Ferrer