Nagpadala ng liham si Senate Majority leader at Senate Special Committee on Maritime and Admiralty Zones chairman Senador Francis Tolentino kay foreign affairs Secretary Enrique Manalo para irekomendang manghingi na ng tulong ang Pilipinas sa International Committee of the Red Cross (ICRC) na naka-base sa Geneva, Switzerland.
Ito ay gitna ng lumalalang kondisyon at aksyon ng China sa West Philippine Sea, partikular na sa Ayungin Shoal.
Sa liham ni Tolentino kay Manalo, na may petsang June 18, 2024, tinukoy nitong ang ICRC sa ilalim ng Geneva Convention, ang maaaring mag-facilitate ng kinakailangang humanitarian aid ng mga tauhan ng ating Philippine Navy na naninirahan sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Magbibigay daan rin aniya ito para mapadali ang pagde-deliver ng mga supplies na kailangan ng ating tropa doon.
Sa hiwalay na pahayag, sinabi ng majority leader ang DFA at Task Force on WPS ang dapat na manguna sa inisyatibong pag-aakyat ng usapin at request na ito sa ICRC.| ulat ni Nimfa Asuncion