Muling nagsampa ng kasong money laundering ang Securities and Exchange Commission (SEC) laban sa chief executive officer ng Silverion Livestock Trading Corp.
Kinasuhan si Ryan Cagod Ladoing ng SEC dahil sa illegal solicitation of investment.
Ayon sa corporate watchdog, nakumpiska kay Ladoing ang pera na nagkakahalaga ng P14 million sa isinagawang search operation ng Philippine National Police Anti- Cybercrime Group noong 2022.
Ayon sa SEC, ito na ang pangalawang kaso na kanilang isinampa laban sa kumpanya.
Ang unang kaso ay isinampa noong October 2023 ng SEC at AMLC matapos makuhanan P17.89 million na cash ang ilang opisyal ng Silverion sa kanilang opisina sa Zamboanga City.
Maalalang nag-isyu na rin ang regulator ng cease and desist order laban sa kumpanya kasama ang mga opisyal, director at agents ng Silverion. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes