Mayor Abby Binay, ipinagmalaking pang dugtong ng buhay ang puso ng kanyang serbisyo sa Makati

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ibinahagi ni Makati Mayor Abby Binay na hindi masusukat ang kanyang serbisyo sa mga residente ng lungsod sa imprastraktura o kagamitan na naibigay nito.

Hindi din aniya ang dami ng naipagawang community center, eskuwelahan o nabiling equipment ang nakapagbibigay sa kanya ng labis na fulfillment.

Ang naging puso ayon sa alkalde ng brand of service nito sa nakalipas na walong taon ay ang dami ng Makatizens na nabago ang buhay para sa ikabubuti nila.

Susi aniya dito ang mahigit 19,000 kidney patients na may yellow card ang nabigyan na ng libre at unli-dialysis treatment mula 2020.

Ayon sa alcalde, masarap isipin na nakapagbibigay ito ng pag-asa sa mga pamilyang mayroong ganitong karamdaman.

Bukod sa dialysis, meron din aniyang libreng chemotherapy sessions ang lungsod para sa cancer patients.

Kumpleto rin ang laboratory at diagnostic testing para sa maagap at masusing pag-e-examine ng mga pasyente.

Giit ni Binay, ito ang totoong sukatan ng matagumpay na paglilingkod.

Sinabi ng alcalde, ang naturang mga pahayag bilang bahagi ng pagbabalik tanaw nito sa kanyang serbisyo kung saan nasa huling termino na ito bilang punong ehekutibo ng lungsod. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us