300 miyembro ng TiboQC, lalahok sa Pride Month

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mahigit sa 300 miyembro ng TiboQC Federation ang inaasahang lalahok sa Pride Festival sa lungsod Quezon sa Sabado, Hunyo 22, 2024.

Kaninang umaga, inilunsad ang TiboQC o Bukluran ng mga Samahang LBQT ng Quezon City kasabay ng pagdiriwang ng Pride Month nitong Lunes sa lungsod.

Ayon kay Anne Lim, lead convener ng TiboQC at Executive Director ng GALANG Philippines, ito ay bilang pagtugon sa under-representation ng lesbians, bisexual women, queer individuals, and transmen (LBQT) sa loob ng mas malawak na LGBTQIA+ community.

Kasabay ng inilunsad na TiboQC sa Quezon City Hall, nanumpa kay Mayor Joy Belmonte ang mga convener ng federation na tagapagtaguyod para sa LGBTQIA+ community. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us