Good news para sa mga residente sa Antipolo City.
Magsasagawa ng Local Recruitment Activity ang lokal na pamahalaan ng Antipolo bukas, June 19 para sa mga nais makahanap ng trabaho.
Sa inilabas na anunsyo ng Antipolo LGU, gaganapin ang nasabing job recruitment sa PESO Office sa 4th floor ng Antipolo City Hall.
Katuwang ng lokal na pamahalaan ang isang Multi-Purpose Cooperative at kabilang sa mga trabahong iniaalok ay Cashier, Driver, Service Crew, Marketing officer, foodcourt attendant iba pa.
Inaabisuhan ang mga inttresadong aplikante na magdala ng resume.
Magtatagal ang local recruitment activity hanggang sa Huwebes simula alas-8 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon.| ulat ni Diane Lear