Pormal nang nilagdaan ng Coast Guard District Eastern Visayas at Municipality of San Miguel, Leyte, ang Memorandum of Agreement para sa pagtatayo ng Coast Guard Sub-Station.
Pinangunahan ni Commander, CG Commodore Romeo Pulido Jr, at ni San Miguel Mayor Norman Sabdao ang seremonya ng pagpirma.
Sa ilalim ng kasunduan, gagamit ang PCG ng office space, na matatagpuan sa Barangay Sta. Cruz upang palakasin ang maritime presence and response capabilities sa pagtugon sa nasabing bayan ng sa gayon ay mapahusay pa ang kaligtasan at proteksyon para sa mga coastal communities.
Ayon sa PCG, ang collaborative effort o sama-samang pagsisikap sa pagitan ng PCG at ng LGU ng San Miguel ay magpapalakas ng kanilang pangako sa pagsusulong ng maritime security at pangangalaga sa kapakanan ng komunidad at karagatan. | ulat ni Mike Rogas
📸: PCG