Nagkaroon ng paggalaw ang presyuhan ng ilang gulay sa Kalentong Public Market sa Mandaluyong City partikular na sa kamatis, okra, at bawang.
Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, nakitaan ng pagtaas sa presyo ng kamatis na nasa ₱120 ngayon mula sa dating ₱100 ang kada kilo.
Habang bumaba naman ang presyo ng okra sa ₱100 mula sa dating ₱120 ang kada kilo, habang ang bawang ay nasa ₱130 na ngayon mula sa dating ₱140 ang kada kilo.
Samantala, walang naitalang paggalaw sa presyo ng luya na nasa ₱300 ang kada kilo, talong ay nasa ₱90 ang kada kilo, sibuyas at carrots na kapwa nasa ₱100 kada kilo.
Ang patatas naman ay nasa ₱120 kada kilo, pechay baguio ay nasa ₱90 ang kada kilo, habang ang repolyo ay nasa ₱60 ang kada kilo.
Mas mababa naman ang presyo ng karne ng baboy kumpara sa ibang pamilihan kung saan, ₱310 ang kada kilo ng kasim, habang nasa ₱360 ang kada kilo ng liempo. | ulat ni Jaymark Dagala