Ipinagmalaki ngayon ni Camarines Sur Representative LRay Villafuerte ang inparubahang 16 na pasilidad para sa offshore wind farm sa kanilang lalawigan.
Aniya ang ₱163-billion Danish-funded na wind farm na ito ang kauna-unahan at pinakamalaki sa Pilipinas.
Naniniwala si Villafuerte na ang wind farm na itatayo sa tulong ng Danish infrastructure investment firm na Copenhagen Infrastructure Partners (CIP) sa San Miguel Bay ay makatutulong sa hangarin ng Marcos Jr. Administration na lumipat mula fossil fuel patungo sa renewable energy at mapababa ang carbon footprint ng Pilipinas.
“The 16 offshore wind power projects in CamSur, once up and running, will become prime contributors of VRE power in the Philippines, in support of the Marcos administration’s decarbonization goal of significantly increasing the share of indigenous sources like wind and solar in our country’s energy mix,” sabi ni Villafuerte.
Ang naturang wind farm ay inaasahang makapagbibigay ng 7,668 megawatts.
Maliban sa mapupunan nito ng 35% ng renewable electricty requirement ng bansa pagsapit ng 2030 ay makatutulong aniya ito sa pagpapasigla ng ekonomiya at turismo ng probinsya.
Inaashaan na matatapos ang konstruksyon ng wind farm sa 2028. | ulat ni Kathleen Jean Forbes