Nagsimula na kahapon (June 18) ang ikalawang yugto ng ‘Cope Thunder’ exercise sa pagitan ng Philippine Air Force at US Pacific Air Force sa Clark Air Base sa Mabalacat City, Pampanga.
Ayon kay PAF Spokesperson Col. Ma. Consuelo Castillo, tinatayang 1,000 mga tauhan mula sa iba’t ibang unit ng PAF ang makikibahagi sa ‘subject matter expert exchanges’ ukol sa pagpaplano at pagsasagawa ng iba’t ibang military missions katuwang ang US PACAF.
Layon ng ‘Cope Thunder’ na mapahusay ang interoperability ng dalawang hukbo sa pamamagitan ng pagsasagawa ng field exercises sa air at ground operations.
Tatagal ang pagsasanay hanggang sa Hunyo 28
Nauna nang isinagawa ang Cope Thunder 2024-1 noong buwan ng Abril na nakatuon sa pagsasanay sa “large force deployment”. | ulat ni Leo Sarne
📷: PAF