“Aalalayan at hindi iiwan”.
Ito ang mga katagang binitiwan ni Overseas Workers Welfare Administration Admin Arnell Ignacio sa pamilya ng nawawalang Filipino crew na sakay ng MV Tutor.
Sinabi ni Ignacio na gagawin lahat ng OWWA ang makakaya nito para mahanap ang nawawalang marino.
Dagdag pa ng opisyal na ang OWWA Regional Office sa pangunguna ni NCR Regional Director Ma. Teresa Capa, ay magpapatuloy sa regular na pag-update sa pamilya tungkol sa progreso ng search and rescue operations.
Sa ngayon, patuloy na nakikipag-ugnayan ang OWWA sa pangunguna ni Ignacio sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno at maging sa mga international agencies upang masiguradong natututukan ang lahat ng aspeto ng imbestigasyon.
Ang nawawalang marino ang katangi-tangi na hindi matagpuan sa nangyaring pag-atake ng Houthi rebels sa MV Tutor na pumapalaot sa Red Sea. | ulat ni Lorenz Tanjoco
📷: OWWA