Tiniyak ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa publiko na patuloy ang magiging operasyon ng Ninoy Aquino International Airport kahit may nagpapatuloy na maintenance activities.
Ayon sa MIAA, masusing plinano ang susunod na schedule ng maintenance activities para sa upgrading ng NAIA Terminal 3 electrical systems.
Ito ay para matiyak na magpapatuloy pa rin ang operasyon ng paliparan lalo na anila tuwing peak hours.
Dahil dito ay tiniyak ni MIAA General Manager Eric Jose Ines sa mga stakeholder na may mga generator sets na magsusuplay ng pansamantalang kuryente sa lugar na sumasailalim sa under maintenance.
Hindi rin aniya maaapektuhan ng ongoing activities ang lahat ng critical systems para sa processing ng mga pasahero at flights. | ulat ni Lorenz Tanjoco