Danyos sa gamit at sasakyan sa RORE mission, pinababayaran ng AFP sa China

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinababayaran ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa China ang sinira nilang Rigid Hull Inflatable Boat (RHIB) RORE Mission sa Ayungin Shoal noong Hunyo 17.

Ito ang inihayag ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. sa pulong balitaan sa Western Command sa Palawan ngayong araw.

Ginamit umano ng Chinese Coast Guard (CCG) sa pagsira at pagbutas sa RHIB ng Navy ang bolo, sibat at kutsilyo habang pinipigilan ang operasyon ng militar sa BRP Sierra Madre.

Sabi ni Gen. Brawner, ito ang unang pagkakataon na nakitang nagdala ng bladed weapons ang CCG.

Bukod dito ay pinababalik din ni Gen. Brawner sa CCG ang kinuha nilang mga naka-kahon na dis-assembled na baril na dala ng mga tropa.

Binigyan-diin ng opisyal na isang uri ng pamimirata ang ginagawang ito ng China. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us