SSS, nagpapadala na ng payment notifications sa mga loan borrower

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinimulan na ng Social Security System (SSS) ang pag abiso sa mga SSS member para mabayaran ang kanilang pagkakautang tulad ng salary o calamity loans.

Ayon kay SSS Senior Vice President for Lending and Asset Management Group Pedro Baoy, ginagawa na ito ng SSS sa pamamagitan ng text messages.

Sa sandaling mabayaran ang kanilang late payments o past due ay maaari na naman silang makapag renew ng kanilang SSS loans.

Hinikayat ni Baoy ang SSS members na mag log in sa kanilang My.SSS account para malaman ang istado ng dating loans at para maiwasan ang mga penalty.

Paglilinaw pa ni Baoy, na hindi kasamang padadalhan ng payment notices ang mga SSS member-borrower na updated naman sa kanilang monthly loan amortizations.

Nagsimulang magpadala ng payment notifications ang SSS noong nakalipas na buwan para paalalahanan ang members-borrowers sa kanilang obligasyon. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us