Pahayag ni AFP Chief Romeo Brawner, Jr. kung saan ay tinuran niyang isang uri ng pamimirata ang ginawa ng Chinese Coast Guard noong Lunes, June 17,2024, kasabay ng isinagawang rotation and resupply (RORE) mission ng mga sundalong Pilipino sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Sa kanyang pagharap sa local at national media nitong June 19 sa Western Command, sinabi niyang ito rin ang unang pagkakataon na nakitaan ng tropa ang Chinese Coast Guard na may dalang mga bolo, sibat, at kutsilyo na ginamit upang butasin ang RHID ng Philippine Navy.
Pinasok umano ng mga tauhan ng CCG ang RHID ng tropa at kinuha rin ang mga baril nito na nasa gun-case pa.
Binigyang diin rin ni Brawner na walang bladed weapons na ginamit ang tropa ng Pilipinas na kapareho ng sa CCG pero lumaban ang mga ito gamit ang kanilang mga kamay.
Hindi rin umano totoo na hinayaan lang ng mga ito na sirain ng CCG ang kanilang RHID at kunin ang ilang mga kagamitan at baril.| ulat ni Lyzl Pilapil| RP1 Palawan