Sumailalim sa dalawang araw na pagsasanay ang mga school teacher ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) bilang paghahanda kapag may malalakas na lindol.
Ang training ay inisyatiba ng DOST-PHIVOLCS na layong mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga guro para mapangalagaan at mabigyan ng proteksyon ang mga mag-aaral.
Kailangan mabigyan ng tamang impormasyon ang mga mag-aaral mula sa paghahanda, pagtugon at proteksyon sa sarili sa panahon ng volcanic eruption, lindol at tsunami.
Tema ng pagsasanay ang “Training on Communicating Volcano, Earthquake, and Tsunami Impacts for Elementary School Teachers.”
Nag-organisa din ang team ng PHIVOLCS ng mga activities na nakadisenyo para i-assess ang mga natutunan sa pagsasanay ng mga participant.
Ayon sa PHIVOLCS, isinagawa ang training sa pakikipagtulungan ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao sa Cotabato City.| ulat ni Rey Ferrer