Tinuligsa muli ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez ang China sa unilateral nitong pagpapatupad ng polisiya na hulihin at i-detain ang mga umano’y trespassers sa kanilang inaangking teritoryo.
Batay sa kautusan ng Chinese Coast Guard, maaari nilang akyatin ang mga foreign vessel at hulihin ang mga sakay nito kung mapadpad sa katubigan na kanilang inaangkin.
Ganito aniya ang nangyari nang akyatin ng isang Chinese Coast Guard ang barko ng Pilipinas sa Ayungin Shoal.
Patuloy na paggiit ng mambabatas, hindi ito maaaring ipatupad ng China dahil ang inaangkin nilang katubigan ay teritoryo ng Pilipinas na malinaw na pasok sa ating exclusive economic zone.
Kaya mas may karapatan pa aniya ang Pilipinas na sila ay ulihin.
Maliban dito, iligal ang kautusang ito at tahasang paglabag sa UNCLOS.
“This rule has no basis in law. It violates the United Nations Convention on the Law of the Sea and the 2016 arbitral tribunal ruling in favor of our country…How could they claim our people are trespassing in that area not far away from Palawan when Ayungin Shoal is inside our 200-mile exclusive economic zone (EEZ)? sabi ni Rodriguez.| ulat ni Kathleen Forbes