Mas pinaigting pa ng Pamahalaang Lungsod ng Marikina ang pagsisikap na panatilihing malinis ang mga daluyan ng tubig sa lungsod ngayong panahon ng tag-ulan.
Layon nitong maiwasan ang mga pagbaha at matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan.
Ayon sa Marikina LGU, regular na isinasagawa ang paglilinis gamit ang vacall trucks ng lungsod upang mapanatiling maayos ang daloy ng tubig.
Bukod sa pag-iwas sa mga pagbaha, layon din nitong maiwasan ang mga sakit na dala ng maruming tubig tulad ng dengue at leptospirosis.
Patuloy din ang dredging operations sa Marikina River upang mapalalim at mapalawak ito.
Tiniyak ng Marikina LGU na handa sila sa anumang epekto ng La Niña phenomenon. | ulat ni Diane Lear