Abiso sa mga motorista, pagbabawalan nang dumaan ang mga bus at truck sa U-turn slot sa EDSA Quezon Avenue flyover.
Ito ay upang magbigay daan sa paglalagay ng scaffolding ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ilalim ng nasabing flyover.
Batay sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), simula June 22 ng alas-7:00 ng umaga ay bawal nang dumaan ang mga bus at truck, at iba pang sasakyan na may taas na 2.5 metro pataas sa U-turn slot sa ilalim ng EDSA Quezon Avenue flyover, northbound at southbound.
Ang naturang proyekto ay bahagi ng proyektong retrofitting at pagpapatibay ng mga tulay ng DPWH National Capital Region, kabilang na ang EDSA Quezon Avenue flyover.
Dahil dito, pinapayuhan ang mga apektadong bus at trak na dumaan sa mga alternatibong ruta:
From EDSA Southbound:
– Left turn to Quezon Ave.
– Left at Sen. Miriam Defensor Santiago Ave. (formerly Agham Road)
– Left at North Ave.
– To Mindanao Ave. or EDSA
– To destination
From EDSA Northbound:
– Straight towards North Ave.
– Take a U-turn infront of Quezon City Academy
– To destination
Inaasahang matatapos ang proyekto sa August 4. | ulat ni Diane Lear