Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-126 na anibersaryo, nagbukas ang Department of Health (DOH) ng mahigit 2,600 trabaho sa sektor ng kalusugan sa buong bansa.
Ang job fair na ito ay ginanap sa iba’t ibang satellite offices ng DOH at mga piling lugar tulad ng Dr. Jose Fabella Memorial Hospital sa Maynila, Western Visayas Medical Center sa Iloilo City, at mga mall Luzon, Visayas, at Mindanao.
Layon ng naturang job fair na magbigay ng oportunidad sa mga Pilipino na maging bahagi ng pwersa ng mga manggagawa sa kalusugan.
Kabilang sa mga inaalok na trabaho ay nurse, doktor, pati na rin ibang propesyon na labas sa medical field gaya ng admin assistant, engineer, information officer, accountant, technican, at iba pa.
Ayon kay Health Secretary Teodoro J. Herbosa, ang job fair na ito ay isang paraan upang maipakita ang kanilang pangako sa pagpapatupad ng Universal Health Care sa buong bansa, at upang mabigyan ng magandang oportunidad ang mga manggagawa sa kalusugan.
Tatagal ang nasabing job fair hanggang bukas, June 20 mula 9:00 AM hanggang 4:00 PM.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang ang website ng DOH.| ulat ni Diane Lear