Ginawa ng Chinese Coast Guard sa mga tropa sa resupply mission, “barbaric” — AFP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binansagan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na  “barbaric” ang ginawa ng mga tauhan ng Chinese Coast Guard sa mga tropang nagsagawa ng resupply mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal noong June 17.

Si isang pahayag kagabi, sinabi ni AFP Public Affairs Office Chief Col. Xerxes Trinidad na ang aksyon ng China ay nagresulta sa malaking pinsala sa mga sasakyan ng AFP, kasama ang kanilang communications equipment.

Kasabay nito, inilabas ng AFP ang mga larawan ng insidente, kung saan nakita ang mga CCG personnel na may dalang mga “bladed weapon” na ginamit sa pagbabanta sa mga sundalong Pilipino at pagwasak sa Rigid Hull Inflatable Boat ng AFP.

Una nang sinabi ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. na ito ang unang pagkakataon na gumamit ng “bladed weapons” ang CCG, kasabay ng paggiit na dapat bayaran ng China ang kanilang ginawang pinsala sa kagamitan ng AFP.  | ulat ni Leo Sarne

📸: AFP

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us