Economic team, hinikayat ang ilang Japan top executives na i-expand ang kanilang pagnenegosyo sa Pilipinas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinikayat ni Finance Secretary Ralph Recto ang mga top executives ng Japanese companies na i-expand ang kanilang pagnenegosyo sa Pilipinas.

Pinangunahan ni Recto ang Philippine delegation para makipag-usap sa ilang malalaking kumpanya sa Japan, kabilang dito ang Sojitz Corporation, Mitsubishi Corporation, Murata Manufacturing Company, at Sumitomo Corporation.

Layon ng Pilipinas na gamitin ang technological expertise ng mga top-notch companies upang pasiglahin ang pag-unlad at paglago ng bansa.

Ang pulong ay inorganisa ng field office ng Department of Trade and Industry sa Tokyo na bahagi ng Philippine Economic Briefing sa Japan.

Kasama ng kalihim si Office of the Special Assistant  to the President for Investment and Economic Affairs Secretary Frederick Go, Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman, National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan, Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual, at Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista.  | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us