Hinikayat ng pamahalaang lungsod ng San Juan ang mga residente nito na samantalahin ang murang bigas na hatid ng Kadiwa ng Pangulo sa kanilang lugar ngayong araw.
Dito makabibili ng ₱39 na kada kilos ng bigas alinsunod na rin sa layunin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ihatid ang murang bigas sa publiko.
Hanggang ngayon na lamang ang Kadiwa ng Pangulo sa San Juan City Hall Atrium mula pa kahapon at bukas ito simula alas-7 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon.
Gayunman, paalala ng San Juan City LGU, hanggang 25 kilos o kalahating kabang bigas ang maaaring bilhin ng mga mamimili, hindi katulad dati na limitado lamang sa tig-5 kilo ang bentahan ng murang bigas.
Maliban sa bigas ay maaari ring makabili rito ng murang gulay at prutas na ₱10 hanggang ₱20 na mas mura kumpara sa mga agri-product na mabibili sa palengke. | ulat ni Jaymark Dagala