Mga sundalong kasama sa nakalipas na Rotation and Re-supply Mission sa Ayungin Shoal, nananatiling mataas ang morale sa kabila ng ginawang pag-atake ng China

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nananatiling mataas ang morale ng mga sundalong kabilang sa pinakahuling Rotation and Re-supply Mission ng militar sa Ayungin Shoal na bahagi ng West Philippine Sea nitong Lunes.

Ito ang ipinagmalaki ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff, General Romeo Brawner Jr. sa kabila ng pag-atake ng mga tauhan ng China Coast Guard sa mga sundalong Pilipino na maghahatid lamang ng kagamitan sa BRP Sierra Madre.

Ayon sa AFP chief, buong tapang na lumaban ang mga sundalo sa gitna na rin ng panunutok sa kanila ng mga patalim ng China Coast Guard gaya ng bolo at machete.

Kaya naman nagpahayag din ng paghanga si Brawner sa mga sundalong Pilipino sa ipinakita nilang tapang na depensahan ang kanilang mga sarili kahit pa nahaharap na sila sa tiyak na peligro mula sa kamay ng China.

Batay sa ulat ng AFP, maliban sa pinagkukuha ng China Coast Guard na mga armas at iba pang kagamitan na dadalhin sana sa mga tropa sa BRP Sierra Madre, pinagbubutas din nito ang inflatble boats sakay ang mga sundalo para pigilan ang kanilang misyon. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us