Mga pirata lang ang sumasampa sa mga barko para magnakaw at manira ng mga kagamitan at ari-arian.
Ito ang sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. sa kanyang pagbisita kahapon sa AFP Western Command sa Palawan, kaugnay ng pag-atake noong June 17 ng Chinese Coast Guard sa huling RORE mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Sa kanyang pagharap sa mga tropa ng Western Command, sinabi ng heneral na mabuti na lang ay lumaban ang mga tropa kahit argabyado sila.
Ayon kay Gen. Brawner, “bare hands” lang ang ginamit ng mga tropa kontra sa mas malaking bilang ng tauhan ng Chinese Coast Guard na armado ng mga “bladed weapons.”
Pinuri naman at pinarangalan ni Gen. Brawner ang mga tropang nagsagawa ng RORE Mission sa kanilang tapang na humarap sa armadong agresyong ng mas malakas na pwersa ng isang walang-bahalang “World superpower. | ulat ni Leo Sarne
📸: PFC Carmelotes/PAOAFP