Muling pinagtibay ng lehislatura ng Pilipinas at Japan ang kanilang relasyon sa pamamagitan ng pagpapalakas sa Japan-Philippines Parliamentary Friendship League (JPPFL).
Bahagi nito ang pagpresenta ng Philippine delagation, sa pangunguna ni Speaker Martin Romualdez, ng kopya ng resolusyong inaprubahan ng House of Representative, upang patatagin pa ang ugnayan ng dalawang bansa sa pamamagitan ng JPPFL at mga friendship league officers at members.
Mahalagang simbolo aniya ito hindi lang ng ugnayan ng dalawang parliamento ngunit ng Pilipinas at Japan sa kabuuan sa maraming aspeto na kapwa pakikinabangan ng dalawang bansa.
“As we hand over this resolution to our Japanese counterparts in the JPPFL, may it symbolize our unwavering commitment to enhancing the parliamentary relations and cooperation between the legislative bodies of the Philippines and Japan,” sabi ni Romualdez.
Giit ni Romualdez na sa pagtutulungan ng dalawang bansa ay mabubuksan ang mas maraming oportunidad sa kalakalan, pamumuhunan at technological exchange na magpapasigla sa ekonomiya at magdadala ng kasaganaan sa Pilipinas at Japan .
Umaasa rin ang lider ng Kamara na maisama sa kooperasyon ang defense and security. | ulat ni Kathleen Jean Forbes
📷: House Speaker Martin Romualdez