Bumuo ng isang action information ang Korte Suprema para tumanggap ng mga reklamo laban sa mga korap na mga Judges, Justices, at mga empleyado.
Sa Memorandum Order 72-2024 ni Chief Justice Alexander Gesmundo, hinihikayat ang publiko na iparating sa kanila ang mga impormasyon ng mga hindi kanais-nais na gawain ng mga empleyado ng Supreme Court.
Kabilang sa mga tatanggaping reklamo at impormasyon ng SC ay ang mga huwes at empleyado na tumatanggap ng regalo tulad ng pera at anumang bagay kapalit ng paborableng desisyon para sa isang kaso.
Ipadala lamang ang mga impormasyon sa [email protected] at ito ay agad matatanggap ng Ethics Committee ng Supreme Court na pinamumunuan ni Chief Justice Alexander Gesmundo kasama sina Senior Associate Justice Marvic M.V.F. Leonen bilang vice chairperson.
Tiniyak ng SC na mananatiling confidential ang impormasyon ng sinumang magsusumbong. | ulat ni Mike Rogas