Industriya ng turismo, may pinakamalaking ambag sa GDP Growth ng bansa – DOT

Facebook
Twitter
LinkedIn

Napagtibay na ng tourism industry ang mahalagang papel nito bilang haligi ng pag-unlad at ng economic recovery matapos ang pandemya.

Ayon sa Department of Tourism (DOT), ito ay bunsod ng naitalang 6.21 million employment para sa mga Pinoy nitong 2023.

Paliwanag ng DOT, halos makamit nito ang target na 6.3 million employment sa turismo para sa 2028 o apat na taong mas maaga sa target.

Ang naturang mga datos ay base sa pinakahuling Philippine Tourism Satellite Accounts (PTSA) ng Philippine Statistics Authority (PSA). | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us