Pagpapalakas sa Coast Guard, Navy, tututukan sa pagsalang ng 2025 national budget sa Kamara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling tiniyak ni Bukidnon Representative Jonathan Keith Flores na isinusulong ng Kamara ang dagdag na budget para sa ating Philippine Navy at Philippine Coast Guard.

Ito ay para epektibong mabantayan ang ating teritoryo sa West Philippine Sea (WPS) at mapahinto ang pagiging agresibo ng China.

“We will be pushing more for mas malaking budget for our Coast Guard, for our Navy, and including our Armed Forces in general.  Kasi hindi na pwede ang pambabastos nila, sumusobra na talaga” giit ni Flores.

Kamakailan nang hinarang ng Chinese Coast Guard (CCG) ang resupply mission ng Pilipinas para sana sa mga sundalong naka destino sa BRP Sierra Madre.

Sa video mula sa AFP, makikita pa na inakyat ng ilang tauhan ng CCG ang barko ng Pilipinas at naglabas pa ng tila matatalim na bagay.

Diin naman ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, dapat ay Pilipinas ang manghuli sa mga Chinese na manghihimasok sa ating teritoryo.

Hanggang ngayon kasi aniya ay hindi nila nirerespeto ang ating mga polisiya at batas.

“Gaya no’ng aking panukala no’n isang beses, eh kapag sila ay pumasok o nag-trespass sa ating teritoryo, eh dapat manghuli rin tayo. Hulihin din natin. Dahil isang pagpapakita ito ng pag-respeto sa ating mga polisiya at batas dito sa ating bansa.  Dapat arestuhin natin yung mga nagtitrespass sa atin.” Diin ni Barbers | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us